DOH nangangailangan pa din ng healthcare workers

DOH nangangailangan pa din ng healthcare workers

May pangangailangan pa rin ang bansa para sa karagdagang healthcare workers sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.

Pahayag ito ng Department of Health (DOH) matapos sabhiin ng grupong Filipino Nurse United o FNU na may mga nurse na nag-aapply sa emergency hiring ng gobyerno ngunit hindi natatanggap dahil napunan na ang mga posisyon.

Ayon sa datos ng DOH, sa kanilang pinaka-huling tala ay umabot na sa 7,849 na health care workers ang na-hire o natanggap sa trabaho.

Ito ay mula sa 10,468 na aprubadong slots para sa emergency hiring ng pamahalaan.

Ang mga healthcare worker ay ipapakalat sa 355 health facilities sa bansa na tumutugon sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19, gaya sa mga ospital, quarantine facilities, at iba pa.

Tiniyak naman ng DOH na naipasa na sa kanilang Technical Working Group ang naging pahayag ng mga miyembro ng FNU upang agad na makagawa ng aksyon.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *