DOH nakaranas ng system error sa database; paglalabas ng COVID-19 case bulletin sa made-delay

DOH nakaranas ng system error sa database; paglalabas ng COVID-19 case bulletin sa made-delay

Ilang oras na male-late ang paglalabas ng COVID-19 Case Bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Lunes (Aug. 10).

Ayon sa abiso ng DOH, sa halip na alas 4:00 ng hapon ay alas 8:00 ng gabi pa mailalabas ang case bulletin.

Sinabi ng DOH na mayroong hindi inaasahang system error na nagdulot ng non-inclusion ng new cases sa COVIDKAYA-extracted database.

Bagaman natugunan na ang problema, nagdulot ito ng dagdag na oras sa para maiproseso ang mga na-extract na datos.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang ahensya sa kung ano ang pinamulan ng problema.

Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH

Like us on Facebook https://www.facebook.com/newsflashwebsite/

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *