DOH nakapagtala ng mahigit 8,000 na bagong kaso ng COVID-19 cases; 162 pa ang nasawi
Nakapagtala ng mahigit 8,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health araw ng Miyerkules, April 14, 892,880 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 8,112 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 704,386 ang gumaling o katumbas ng 78.9 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 510 na gumaling.
173,047 naman ang active cases o katumbas ng 19.4 percent.
15,447 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.73 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 162 pang pumanaw.