DOH nakapagtala ng mahigit 10,000 na bagong kaso ng COVID-19; 72,607 nadagdag sa bilang ng mga gumaling
Nakapagtala ng mahigit 10,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, April 18, 936,133 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 10,098 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 779,084 ang gumaling o katumbas ng 83.2 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 72,607 na gumaling.
141,089 naman ang active cases o katumbas ng 15.1 percent.
15,960 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.70 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 150 pang pumanaw.