DOH nakapagtala na ng 25 na fireworks-related injuries

DOH nakapagtala na ng 25 na fireworks-related injuries

Umabot na sa dalawampu’t lima ang naitatalang fireworks-related injuries ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, ang nasabing datos ay mas mataas ng 108 percent kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong petsa noong 2020 na labingtatlong kaso lamang.

Ayon sa DOH, lahat ng 25 na naitalang nasugatan ay dahil sa paputok.

Wala pang naitatalang kaso ng fireworks ingestion at stray bullet injury.

Wala pa ring naitatalang nasawi.

Ang mga natamaang bahagi ng katawan ay ang kamay (11), ulo (7), mata (6), leeg (4), dibdib (3), paa (1) at hita (1).

Karamihan sa mga nasugatan ay gumamit ng ilegal o ipinagbabawal na paputok gaya ng Boga at Piccolo.

Patuloy na hinikayat ng DOH ang publiko na ligtas na salubungin ang Bagong Taon at iwasan ang gumamit ng paputok.

Apela ng DOH, gumamit na lamang ng alternative noise-makers at light emitting devices sa pagsalubong ng Bagong Taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *