DOH nakapagtala lamang ng mahigit 2,600 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng mahigit 2,600 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Nov. 10 ay 2,809,311 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 2,646 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,735,508 ang gumaling o katumbas ng 97.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 4,029 na gumaling.
29,138 naman ang active cases o katumbas ng 1 percent.
Nasa 44,665 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.59 percent makaraang makapagtala ng 99 pang pumanaw. (DDC)