DOH nakapagtala lamang ng mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Nov. 5 ay 2,797,986 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 2,376 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,716,524 ang gumaling o katumbas ng 97.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 2,109 na gumaling.
37,377 naman ang active cases o katumbas ng 1.3 percent.
Nasa 44,085 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.58 percent makaraang makapagtala ng 260 pang pumanaw. (DDC)