DOH nagbigay-linaw sa naglalabasang presyo ng COVID-19 vaccine
Naglinaw ang Department of Health (DOH) kaugnay sa mga kumakalat na presyo ng bakuna kontra COVID-19.
Kasunod ito ng balita na lumabas matapos ang senate hearing na nagsabing ang presyo ng mga bakuna ay galing sa DOH.
Ayon sa DOH, ang mga presyo ngn bakuna na naglalabasan sa balita at social media ay “indicative market prices” na base sa isinapublikong rate ng mga manufacturer ng bakuna.
Ang published rates ay layon lamang na ma-estimate ang proposed budget o ilalaang pondo para sa vaccination program.
Ayon sa DOH, iba ang negotiated prices na napagkasunduan ng pamahalaan at ng manufacturer.
Kasabay nito ay hinimok ng DOH ang publiko na pagkatiwalaan ang proseso na isinasagawa ng bansa sa pagbili ng bakuna sa pamamagitan ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez. (D. Cargullo)