DOH nagbabala sa mga maling impormasyon tungkol sa pagsusuot ng face mask at face shield
Ikinabahala ng Department of Health ang pagkalat sa social media ng mga larawan ng ni Atty. Larry Gadon na nagsuot ng face shield subalit idinikit lamang ang kanyang face mask sa face shield.
Sa virtual press briefing ng DOH, sinabi ni Usec. Maria Rosario Vergeire na nakatakda silang maglabas ng opisyal na pahayag patungkol dito.
Pero ayon kay Usec. hindi isang biro o joke ang pagsusuot ng face shield at face mask.
Umapela si Usec sa mga indibidwal lalo pa at nakikita o kilala sa media na mag-ingat sa pagbibigay ng mga maling pahayag na maaring sundan o makaapekto sa publiko dahil maaring makapagbigay ito ng false hope o maling impormasyon na maglalagay sa peligro sa kalusugan ng publiko.
Matagal narin anyang sinasabi ng maraming eksperto na importante ang tamang pagsusuot ng face mask at face shield para makaiwas sa pagkakaroon ng virus.
Base sa mga pag-aaral, ayon kay Usec. Vergeire, 85-percent na makakaiwas sa virus ang pagsusuot ng face masks, malaki din ang tulong ng pagsunod sa tamang physical distancing at batay sa isang local stud.
Sinabi ni Vergeire na 99-percent ang kaya nitong ibigay na prevention para hindi mahawa ng virus ang taong nakasuot ng face shield ng tama.
Una nang nagviral sa social media ang mga larawan ni Atty. Gadon na nakasuot nga ng face shield subalit idinikit naman nito ang face mask niya sa mismong face shield at hindi nakasuot ng tama.