DOH may naitalang 6 na kaso ng South African variant ng COVID-19 sa bansa

DOH may naitalang 6 na kaso ng South African variant ng COVID-19 sa bansa

Mayroong na-detect na anim na kaso ng South African variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), iniulat ng UP-Philippine Genome Center (UP-PGC) at ng UP-National Institutes of Health ang pagkakaroon ng anim na kaso ng B.1.351 variant sa bansa.

Nakapagtala din ng dagdag na 30 bagong kaso ng B.1.1.7 variant (UK variant).

Ito ay kasunod ng pagsusuri ng UP-PGC sa 350 samples na bahagi ng ikawalong batch.

Ayon sa DOH, ang anim na South African variant cases ay kinabibilangan ng tatlong locals, dalawang returning OFs habang inaalam pa ang lokasyon ng isa.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *