DITO pumasa sa technical audit; nai-deliver ang pangakong coverage para sa unang taon ng operasyon
Naipasa ng DITO Telecommunity Corporation ang technical audit para sa pagtupad nito sa kanilang commitments sa unang bahagi ng taon.
Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), base sa report ng independent auditor na R.G. Manabat and Co., pumasa ang DITO sa first year commitments nito.
Bahagi ng pagbibigay ng prangkisa sa DITO noong July 2019 kailangan nito mai-deliver ang pangako na masasakop ang 37.03 percent ng national population gamit ang minimum average broadband speed na 27 megabits per second (Mbps) sa unang taon ng kanilang operasyon.
Sa isinagawang technical audit, sa unang taon ng operasyon ng DITO, nasakop nito ang 37.48% ng national population o kaatumbas ng 37,845,315 na katao.
Ang kabuuang nasakop ng sebisyo ng DITO ay umabot na sa 8,860 na mga barangay.
Nakasaad din sa report na ang minimum average broadband speed ay 85.9 Mbps (4G) at 507.5 Mbps (5G).
Malapit sa base station, nakapagrehistro ng 102.4Mbps (4G) at 769.1 Mbps (5G); middle point – 91.2 Mbps (4G) at 437.1 Mbps (5G); malayo sa base station – 64.4 Mbps (4G) at 316.5 Mbps (5G).
Sa isinagawang audit, ginamit ang radom sampling para makapili ng 12 percent ng 1,602 na cellsites ng DITO para sa field testing.
Tatlong beses na nagsagawa ng testing sa bawat lokasyon.
Sa ngayon ayon sa NTC, wala pang subscribers ang DITO.
Sa March 2021 nakatakdang pormal na ilunsad ang operasyon ng DITO.