District 2 Office ng Comelec sa Valenzuela sarado muna sa publiko para sa disinfection
Sarado ngayong araw, January 25 at bukas, January 26 ang district 2 office ng Commission on Elections (Comelec) sa Valenzuela City.
Batay sa abiso ng Comelec, magsasagawa ng preventive disinfection sa naturang tanggapan.
Kung mayroong mga katanungan at concern, maaring tumawag sa nummerong 83523000 local 164.
Ang mga aplikante na nakapagpa-book ng appointments sa pamamagitan ng iRehistro ay pinapayuhang magpa re-book.
Magre-resume ang normal na operasyon sa naturang tanggapan sa Miyerkules, January 27. (D. Cargullo)