Dine-in services muling ipinagbawal kasunod ng pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine measure sa NCR

Dine-in services muling ipinagbawal kasunod ng pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine measure sa NCR

Muling ipinagbawal ang dine-in services sa mga restaurant kasunod ng pagsasailalim sa Metro Manila sa mas mahigpit na community quarantine.

Ayoon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, simula July 31 ay bawal na muli ang indoor dine-in services amging ang al fresco dining.

Ang tangi lamang papayagan ay take-out at delivery.

Maari namang magbukas ang mga personal care services hanggang sa 30 percent capacity kabilang ang beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas.

Ang Indoor sports courts at venues at indoor tourist attactions ay hindi pwedeng mag-operate.

Pwedeng magbukas ang mga outdoor attractions ay papayagan sa ilalim ng 30 percent venue capacity.

Tanging ang mga APOR lamang ang papayagang bumiyahe papasok at palabas ng NCR Plus Area.

Tanging virtual religious gatherings lamang ang papayagan.

Ang mga lamay at libing ay papayagan pero limitado lamang sa immediate family members ng pumanaw.

Una nang inanunsyo ng Malakanyang na iiral ang GCQ “with heightened and additional restrictions” sa Metro Manila simula July 30 hanggang August 6.

At itataas ito sa ECQ pagsapit ng August 6 hanggang 20. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *