DILG magpapatawag ng pulong sa UP; 1992 UP-DILG agreement tatalakayin

DILG magpapatawag ng pulong sa UP; 1992 UP-DILG agreement tatalakayin

Magpapatawag ng pulong ang Department of the Interior and Local Government sa pamunuan ng University of the Philippines (UP) sa susunod na linggo.

Ito ay para marebisa ang 1992 UP-DILG agreement na naglilimita sa presensya ng mga pulis sa loob ng UP campuses.

Sa gagawing pulong, sinabi ng DILG na aalamin kung ang kasunduan ay naayon pa sa kasalukuyang panahon.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya mismong ang mga opisyal ng UP ang humiling ng dayalogo o pulong sa kagawaran.

Sa pulong ay isasailalim din sa assessment ang “level of security” sa UP lalo pa at nagkaroon na ng paglaganap ng residential units, business establishments, at informal settler families sa loob ng UP campuses, lalo na sa UP Diliman.

“The non-academic areas in UP have increased through the years and crime has been increasing, thus we need to discuss ways on how we can maintain peace and order in those areas,” ayon kay Malaya.

May bahagi din ng UP campuses ang ipinarenta sa private developers gaya ng UP Technohub at UP Town Center.

Sinabi ni Malaya na sa pagtaas ng populasyon sa UP dapat malaman kung kaya pa ba ng pamunuan ng unibersidad na pangalagaan ang seguridad at kaayusan sa loob ng campus.

“With the growth of the population within each campus, the current capability of the university’s police and firefighting forces must be assessed. Kaya pa ba nilang panindigan ang responsibilidad na pangalagaan ang seguridad at kaayusan sa loob ng campus?” dagdag pa ni Malaya.

Dagdag pa ni Malaya, pitong taon nang hindi nakapagpupulong ang UP-DILG Joint Monitoring Team na taliwas sa isinasaad ng Section 7 ng UP-DILG agreement na nagsasabing dapat ay nagsasagawa ng pulong dalawang beses kada taon.

Sa isasagawang pulong, babanggitin din ng DILG sa UP officials ang nagpapatuloy na recruitment ng Communist Party of the Philippines (CPP) at front organizations sa mga estudyante ng UP na una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *