DILG kumuha ng 802 dagdag na contact tracers sa Metro Manila

DILG kumuha ng 802 dagdag na contact tracers sa Metro Manila

Kumuha ng dagdag na 802 contact tracers ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa Metro Manila.

Ayon kay DILG Spokesperson Jonathan Malaya, ang PNP ay magde-deploy ng dagdag na 362 uniformed personnel bilang dagdag sa kanilang contact tracing team sa Metro Manila.

Itatalaga ang mga ito sa sumusunod na lugar:

– Malabon (16)
– Navotas (12)
– Valenzuela (17)
– Caloocan (30)
– NPD reserve for Camanava (14)
– Marikina (14)
– Pasig (16)
– Mandaluyong (17)
– San Juan (15)
– Manila (30)
– Pasay (34)
– Makati (25)
– Paranaque (15)
– Las Pinas (18)
– Muntinlupa (17)
– Taguig (20)
– Pateros (10)
– Quezon City (40)

Ang Bureau of Fire Protection naman ay magde-deploy ng 100 uniformed personnel nito sa kanilang NCR contact tracing effort.

60 dito ay itatalaga sa Quezon City at 40 sa Pasay City.

May 20 police personnel na manggagaling sa iba’t ibang police regional offices na itatalaga sa Metro Manila.

Idaragdag sila sa 300 na contact tracers na ide-deploy naman ng MMDA.

Ang dagdag na contact tracers ay bunsod ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 lalo na sa Metro Manila.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *