DILG kinilala ang Muntinlupa City LGU sa pagutugon sa Manila Bay Clean-Up program
Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang inisyatiba ng Muntilupa City LGU sa pagsasagawa ng clean-up drives at iba pang hakbang para sa Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP).
Iprinisinta ni Muntinlupa Environmental Sanitation Center head Lorna Misa ang pagkilala kay Mayor Jaime Fresnedi sa isinagawang courtesy call noong Martes, December 21.
Kinilala ang local government has been bilang isa sa mga highly compliant LGUs sa pagpapatupad ng MCBRPP matapos makakuha ng total score na 91.50%.
Nasa pang-apat na pwesto ang Muntinlupa sa National Capital Region (NCR) matapos ang isinagawang Compliance Assessment.
Kinilala din ang Muntinlupa City bilang Top Performer sa Informal Settler Families (ISF) Category at sa Information Education and Communication and Institutional Arrangements (IEC-AC) Category. (DDC)