DILG dinepensahan ang PNP sa pagdakip kay Dr. Castro
Dinepensahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) sa pag-aresto nito kay Dr. Natividad Castro.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año ginawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabah nang isilbi kay Castro ang warrant of arrest nainilabas ng Bayugan City Regional Trial Court laban sa doktor.
Hindi naman aniya warrantless arrest ang nangyari at tungkulin aniya ng PNP na isilbi ang warrant kay Castro.
Ayon kay Año ang warrant of arrest ay inilabas ni RTC Judge Fernando Fudalan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 7 sa Bayugan City, Agusan del Sur dahil sa kasong kidnapping and serious illegal detention laban sa doktor.
Kinondena ni Año ang akusasyon ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na nalabag ang karapatang pantao ni Castro sa ginawang pagdakip dito.
Sinabi ni Año na mayroon namang legal remedies ang mga abogado ni Castro ata nagkaroon sila ng pagkakataon noon para kwestyunin o iapela ang naging findings ng piskalya sa kaso nito.
May pagkakataon din sila noon na kwestyunin ang warrant of arrest na inisyu ng korte at pwede sana silang umapela sa Court of Appeals o sa Supreme Court.
Ayon pa kay Año sa mga inilalabas na pahayag ng FLAG, NUPL at iba pang leftist groups ay iniinsulto nila ang hudikatura. (DDC)