DFA nakapagpauwi na ng mahigit 204,000 na Overseas Filipino
Umabot na sa mahigit 200,000 ang kabuuang bilang ng mga Overseas Filipinos na napauwi sa bansa ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa datos ng DFA, sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre, umabot sa kabuuang 204,481 ang napauwi sa bansa.
Sa nasabing bilang 69,477 (33.98%) ay sea-based habang 135,004 (66.02%) ang land-based.
Para sa buwan lang ng Setyembre ay nakapagpauwi ng 41,892 na overseas Filipinos ang DFA.
Pinakamalaking bilang ng mga napauwing OFs ay mula sa Middle East.
Narito ang breakdown ng mga umuwing Overseas Filipinos:
31,217 or 74.5% – Middle East
4,226 or 10.1% – Asia and the Pacific
3,666 or 8.8% – Americas
2,634 or 6.3% – Europe
149 or 0.3% – Africa