DFA muling naghain ng diplomatic protest sa China

DFA muling naghain ng diplomatic protest sa China

Nagsampa muli ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa China dahil sa patuloy na presensya ng mga barko nito sa West Philippine Sea.

Ayon sa DFA ang presensya ng mga barko ng China ay malinaw na panghihimasok sa soberanya ng Pilipinas.

Ang dalawa pang diplomatic notes na inihain noong April 21 ay dagdag sa araw-araw na protesta na inihahain ng DFA.

Ayon sa DFA sa isinagawang inspeksyon noong April 20, mayroon pang namataan na 160 Chinese Fishing Vessels at Chinese Militia Vessels sa Kalayaan Island Group na nasa loob ng Philippine Economic Zone at sa territorial waters ng Bajo de Masinloc.

May nakita ring 5 Chinese Coast Guard Vessels sa Pag-asa Islands, Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal.

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *