DepEd pinayagan ang paglahok sa face-to-face classes ng iba pang grade levels
Pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang paglahok sa pinalawig na face-to-face classes ng mas maraming grade levels sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2.
Sa pilot run ng face-to-face classes ay tanging kindergarten, grades 1 to 3 at senior high school students ang pinayagang lumahok.
Ayon kay DepEd Asst. Sec. Malcolm Garma, ito ay para mabigyang oportunindad ang iba pang grade levels na makalahok sa proseso.
Binigyang-diin ni Garma na kailangang matiyak ang pasgunod sa health and safety protocols ng mga lalahok na paaralan.
Ipinaubaya din ng DepEd sa mga paaralan, DepEd Divisions at DepEd Regions ang paglalatag ng kombinasyon sa kung anu-anong grade levels ang palalahukin sa expanded in-person classes. (DDC)