Debris mula sa pinakawalang rocket ng China maaaring bumagsak sa bahagi ng Ilocos Norte at Cagayan

Debris mula sa pinakawalang rocket ng China maaaring bumagsak sa bahagi ng Ilocos Norte at Cagayan

Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa posibleng pagtama ng debris mula sa rocket na pinakawalan ng China.

Ayon sa abiso ng PhilSA, ang debris ay maaring bumagsak sa mga lugar malapit sa Burgos, Ilocos Norte at Sta. Ana, Cagayan.

Sa abiso ng PhilSA nakasaad na ang debris ay mula sa Long March 7A rocket na pinakawalan ng China.

Sinabi ng ahensya na bagaman hindi tatama sa lupa o residential areas ang debris ay maaari umano itong maging banta sa mga barko, aircraft at seacraft sa mga lugar na tatamaan.

Ayon sa PhilSA ang rocket ay pinakawalan mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan, Island, Martes ng gabi oras sa Pilipinas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *