Death by hanging hatol ng Kuwaiti Court sa amo ng OFW na si Jeanelyn Villavende

Death by hanging hatol ng Kuwaiti Court sa amo ng OFW na si Jeanelyn Villavende

Death by hanging ang hatol ng Kuwaiti court sa among babae ng OFW na si Jeanelyn Villavende.

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Kuwait na ang babaeng amo ni Villavende ay hinatulang mabitay habang ang lalaking employer naman ay hinatulang makulong ng apat na taon.

Ayon sa pahayag, maituturing itong “legal at moral victory” sa kaso.

Pinasalamatan ng embahada si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., at ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs.

Pinasalamatan din ng embahada ang pamahalaan ng Kuwait sa naging suporta sa kaso.

Ayon sa embahada, nawa ang kaso ni Villavende ay magsilbing paalala sa lahat na walang sinumang Filipino ang pwedeng gawing alipin ninuman at saanman.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *