Deadline sa pamamahagi ng ayuda pinalawig ng DILG hanggang May 15, 2021
Pinalawig ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang deadline sa pamamahagi ng ‘ayuda’ mula sa national government.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng DILG ang pagpapalawig sa deadline hanggang sa May 15, 2021.
Una nang binigyan ng 15 araw lamang ng DILG ang mga lokal na pamahalaan para maipamahagi ang ayuda kung ito ay in-cash at 30 araw naman kung ito ay in-kind.
Ang pamamahagi ng ayuda ay nagsimula noong April 5.
Sinabi ni Roque na ang pagpapalawig sa deadline ay para maiwasan din ang mass gathering sa pamamahagi ng ayuda.