Dayuhang takas sa batas sa France, nahuli sa Antipolo City

Dayuhang takas sa batas sa France, nahuli sa Antipolo City

Hindi nakapalag sa mga tauhan ng Bureau of Immigration o B-I ang 53-anyos na si Pascal Didier Gillot, na tinutugis ng mga otoridad sa bansang France dahil sa mga kaso ng sexual abuse sa mga menor de edad sa kanyang bansa.

Ang suspect na si Gillot ang target nang pinalabas na Mission Order ni Immigration Commissioner Jaime Morente dahil na rin sa pagiging panganib nito sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Nahuli ang suspek sa A. Masangkay St. sa San Roque, Antipolo City.

Ayon kay Morente, itinimbre sa kanyang tanggapan ng French authorities na tinutugis si Gillot dahil sa mga kaso ng panghahalay sa mga kabataan

Nasa red notice na rin ng Interpol si Gillot na nanghalay ng kabataang nagkakaedad ng 15-pababa at mayroon ng warrant of arrest dahil sa mga kasong panghahalay sa mga kabataan.

Ilang beses na rin aniyang tinangka ng suspect na tangayin ang batang biktima, na labag sa Penal Code ng Prancia.

Overstaying na rin sa bansa ang suspect na nakukulong sa Warden Facility sa Bicutan, Taguig, habang naghihi ng deportation proceedings. (Infinite Radio Calbayog) 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *