Daytime videoke at karaoke bawal na sa San Juan

Daytime videoke at karaoke bawal na sa San Juan

Bawal na rin ang daytime videoke sa San Juan City.

Sa inilabas na City Ordinance No. 78, Series of 2020, ang mga videoke at karaoke sessions pati na rin ang pagpapatugtog ng malakas sa San Juan ay papayagan lamang Lunes hanggang Sabado mula ala-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi lamang.

Kapag naman araw ng Linggo, papayagan ang videoke, karaoke at pagpapatugtog mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ito ay para mabigyan ng prayoridad ang pag-aaral ng mga estudyante sa San Juan sa kanilang distance learning / online / blended classes.

Ang mga lalabag sa ordinansa ay may karampatang parusa na 3,000 pesos na multa sa unang paglabag at 5,000 o pagkakakulong ng tatlong (3) buwan o pareho sa mga susunod na paglabag.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *