Davao City nagtala ng pinakamataas na COVID cases, NCR cities tinalo pa

Davao City nagtala ng pinakamataas na COVID cases, NCR cities tinalo pa

Nakapagtala ang Davao City ng pinakamaraming kaso ng COVID-19 kung saan nataasan pa nito ang mga lungsod sa Metro Manila at iba pang Local Government Units(LGUs) na mas malalaki ang populasyon, ayon sa OCTA Research Report.

Base sa OCTA Research Report mula June 21 hanggang June 27 ay nasa 263 ang daily average ng COVID 19 cases sa Davao City at dahil sa paglobo ng kaso ay nasa 93% na ang Davao City ICU utilization rate (ICUR) na syang pinakamataas mula nang magsimula ang pandemic.

Ang Hospital bed utilization rate (HBUR) sa Davao City ay umabot na 70% habang sa Tacloban ay nasa critical level na 88 percent.

“ICU utilization rates ( ICUR) were at critical levels in Davao City, Iloilo City, General Santos, Koronadal and Cabuyao, while ICUR were at high levels in Bacolod, Cagayan de Oro, Baguio City, Tacloban, Tagum, Zamboanga,”nakasaad sa OCTA report.

Tinuran ng OCTA Research na ang COVID infection ay bumaba na ng 9% sa buong NCR, nabatid na sa pagitan ng June 21 hanggang 27 ay 667 ang kabuuang naitalang bagong kaso kumpara sa 731 noong June 14 hanggang 20.

“The average daily attack rate (ADAR) in the 17 cities in NCR at 4.83 per 100,000 is considered moderate-low risk, but Davao City’s ADAR alone has reached the critical level of 14.47 per 100,000” nakasaad pa sa report.

Patuloy na inirerekomenda ng OCTA research ang pagsasailalim sa NCR plus sa General Community Quarantine (GCQ) bunsod na rin low vaccination rate coverage at patuloy na pagtaas ng kaso sa labas ng NCR.

“We must prevent an NCR plus rebound surge. We can do this by continuing initiatives to expand testing, tracing, and isolation as well as by ensuring strict border controls to prevent the transmission of the virus within and among provinces,” ayon pa sa OCTA Research report.

Pinapayuhan din ng research group ang bansa na maging “Delta-ready,” dala na rin ng posibilidad na pagkalat ng bagong COVID Delta variant na maaaring magpabulusok muli sa COVID cases ng bansa kung hindi makokontrol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *