Davao City isinailalim muli sa GCQ dahil sa pagdami ng COVID-19 cases
Isinailalim na muli sa general community quarantine epektibo simula ngayong araw hanggang sa Nov. 30, 2020 ang Davao City.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bunsod ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Magtatayo din ng One Hospital Command Center sa Davao City.
Sinabi ni Roque, magtatalaga ng Coordinated Operations to Defeat the Epidemic (CODE) teams sa Davao City para tumulong sa response activities.
Inatasan din ang mga pribadong ospital na taasan ang COVID-19 bed capacity nila ng 20% hanggang 30%.