Dating Pangulong Joseph Estrada nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Manila Mayor Alfredo Lim

Dating Pangulong Joseph Estrada nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Manila Mayor Alfredo Lim

Ipinaabot ni dating Pangulong Joseph Estrada ang kaniyang pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Sa kaniyang Facebook page inilahad ni Estrada ang mensahe ng pakikiramay.

Sinabi ni Estrada na siya ay nalulungkot sa pagpanaw ng “magiting na Alkalde ng Maynila”.

Bagaman naging magkatunggali umano sila sa pulitika ay iisa naman ang kanilang naging hangarin at ito ay ang mabigyan ng magandang buhay ang mahihirap.

“Naging magkatunggali man kami sa pulitika, alam ko na iisa lang ang aming hangarin, ang mabigyan ng magandang buhay ang mahihirap nating mga kababayan, lalo na ang Masang Manilenyo,” ayon kay Estrada.

Si Lim ay pumanaw sa edad na 90 ngayong Sabado, (Aug. 8, 2020).

Sina Estrada at Lima ay nagkalaban sa eleksyon sa pagka-alkalde sa Maynila kung saan kapwa sila tinalo ni Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *