Dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre itinalaga ni Pang. Duterte sa NAPOLCOM
Binigyan ng pwesto sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na itinalaga ng pangulo si Aguirre bilang commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM) na kakatawan sa private sector.
Si Aguirre ay nanilbihan bilang kalihim ng DOJ sa unang mga taon ng Duterte Administration.
Makatutulong ayon kay Roque ang karanasan ni Aguirre sa DOJ para magawang mas competent ang police service, credible at responsive sa pangangailangan ng publiko. (D. Cargullo)