Dating House Speaker Alan Peter Cayetano umatras sa pagtakbong presidente
Hindi tatakbong presidente sa 2022 elections si dating House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ayon sa mambabatas, magdudulot lamang ng pagkakahati-hati sa halip na pagkakaisa kung tutuloy siya sa pagtakbong pangulo.
Kamakailan ay nag-number 2 si Cayetano sa senatorial survey ng Pulse Asia.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Cayetano kung anong posisyon ang tatakbuhan sa 2022. (RAB)