Dalupiri Island, Cagayan niyanig ng magnitue 6.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang lalawigan ng Cagayan.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 27 kilometers southeast ng Dalupiri Island (Calayan), 2:40 ng madaling araw ng Biyernes, July 1, 2022.
May lalim na 27 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V
– Aparri and Calayan, Cagayan
– Flora, Apayao
Intensity IV
– Penablanca and Tuguegarao City, Cagayan
Intensity III
– Vigan City and Sinait, Ilocos Sur
Ayon sa Phivolcs maaring magdulot ng aftershocks bunsod ng nasabing lindol. (DDC)