Dalawang LPA nagpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas
Dalawang Low Pressure Area ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng bansa.
Ang isang LPA ay huling namataan sa layong 190 kilometers West Southwest ng Basco, Batanes.
Habang ang isa pa ay nasa 465 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA dahil sa LPA, ang Eastern Visayas, Caraga, Batanes at Bauyan Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan. (DDC)