Dalawang kawani ng MMDA pina-isyuhan ng ticket ni Chairman Abalos dahil sa illegal parking

Dalawang kawani ng MMDA pina-isyuhan ng ticket ni Chairman Abalos dahil sa illegal parking

Maging ang kanilang kasamahan sa trabaho ay hindi pinaligtas ng mga tauhan ng MMDA matapos lumabag sa batas trapiko.

Iniutos ni MMDA Chairman Benhur Abalos na tikitan ang ilang kawani ng ahensya dahil sa paglabag sa illegal parking, traffic obstruction at iba pang non-moving violations.

Ang dalawang kasapi ng Motorcycle Unit ay umaasiste sa paghahatid ng mga bakuna sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila at huminto para kumuha ng gas coupon.

Pero ayon kayy Abalos, hindi ito sapat na dahilan para lumabag sila sa batas-trapiko.

Sila ay ipinatawag at tinikitan.

Mahigpit na pinaalalahanan ni Abalos ang mga kawani nito na sila dapat ang maging ehemplo sa pagsunod sa mga batas sa kalsada.

Panawagan ni Abalos sa publiko huwag mag-atubiling i-report sa ahensya ang anumang iregularidad, katiwalian o maling gawain ng mga kawani ng MMDA.

Mainam ding kuhanan ng larawan o video at ipadala sa MMDA Facebook o itawag sa Metrobase 136.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *