Dalawang barko tinupok ng apoy sa Navotas Fish Port
Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa insidente ng sunog sa bahagi ng Pier 5 sa Navotas Fish Port Complex, Lunes (March 1) ng hapon.
Ayon sa Coast Guard, nagkaroon ng sunog sa Buena Suerte J-56 at Buena Suerte Resia.
Agad ipinadala ng PCG ang BRP Sindangan (MRRV-4407) at BRP Panglao (FPB-2402) para tumulong sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Nagpadala din ng limang private tugboats.
Alas 12:58 na ng madaling araw ngayong Martes, March 2 nang maideklarang fire out ang sunog.
Magsasagawa na ng inspeksyon ang PCG para malaman kung nagkaroon ng oil spill matapos ang insidente.