Daily rotational interruption sa Quezon City at Valenzuela
Natapos na ang installation ng tatlo sa apat na pumps ng North C Annex Pumping Station ng Maynilad na lumubog sa tubig kamakailan dala ng tumagas na discharge line.
Ang dalawang pumps ay operational na, at ang ikatlong pump ay magiging operational na ngayong araw ng Lunes (Sept. 7).
Dahil dito ayon sa Maynilad, nabawasan na ang bilang ng mga customer na nakararanas pa ng rotational water interruptions.
Sa kasalukuyan, nakatutok ang mobile water tankers ng Maynilad sa mga lugar na nananatiling apektado ng rotational interruptions upang makapag-deliver ng malinis na tubig.
Inaasahan na maibabalik sa normal ang operasyon ng mga apektadong pasilidad ng Maynilad anumang oras bukas (Sept. 8) – mas maaga sa naunang estimated time of completion na September 9, 2020.
Muling magbibigay ng update ang Maynilad sa official Facebook page (/MayniladWater) at Twitter account (@maynilad) sakaling may bagong development ukol dito.
Pinapayuhan ang mga customer na kapag bumalik na ang supply ng tubig, padaluyin muna nang panandalian hanggang sa luminaw ito.