Daan-daang mga armas, bala isinuko ng mga rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan
Mas marami pang rebelde mula sa Central Visayas ang nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan.
Sa kaniyang pagtungo sa Police Regional Office 7, hinarap ni Philippine National Police Chief, P/Gen. Debold Sinas ang mga sumukong miyembro ng New People’s Army mula sa rehiyon.
Sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan, isinuko din nila ang daan-daang mga armas at bala, isang pump boat, at mga subersibong dokumento.
Binigyang-pagkilala din ni Sinas ang anti-insurgency efforts ng Central Visayas PNP.
Tiniyak ni Sinas na ang mga sumukong rebelde ay tutulungan sa paghahanda ng requirements upang sila ay maging kwalipikado sa tulong ng pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).