Daan-daang katao sumalang sa libreng COVID-19 test sa Maynila

Daan-daang katao sumalang sa libreng COVID-19 test sa Maynila

Mahigit na 400 katao ang naisalang sa libreng simultaneous mass swab test na sinimulan kahapon ng pamahalaang lungsod ng Maynila bilang bahagi ng kampanya laban sa covid 19.

Ayon kay Julius Leonen, ang pinuno ng Public Information Office ng Manila City Hall, umaabot sa kabuuang 427 ang naisalang sa swab test sa anim na venue mula sa orihinal na bilang ns 574 na itinakda sa pagsusuri.

Ito ayon kay Leonen ay mula sa data ng Sta. Ana Hospital kung saan dinala ang mga nakulektang specimen mula sa 427 na katao.

Nabatid kay Leonen na sa Lucky Chinatown ay 50 katao ang dapat nasuri sa swab test ngunit 48 lamang ang sumailalim; nakumpleto naman ang swab test sa 50 indibiduwal sa SM San Lazaro at sa SM Manila; sa Robinson’s mall, 49 lamang; sa Palengke ng Pritil 126 lamang ang na-swab test mula sa 174 habang 104 na kagawad ng Manil Traffic and Parking Bureau ang naisailalim sa swab test.

Pinaliwanag ni Leonen na may mga hindi nakarating na naka-schedule for swabbing ngunit duon sa mga bigong dumating kagaya ng 96 na kasapi ng MTPB ay nagtakda ng panibagong schedule upang sila ay ma-swab test.

Dinagdag din ni Leonen na hindi pa kasama sa kabuuang bilang nang na-swab test ang data mula sa anim na district hospital sa lungsod.

Kabilang sa mga sinalang sa swab test ay mga manggagawa sa mall, hotels, restoran, mga driver ng jeep, traysikel, e trike, pedicab at iba pa.

Malalaman ang resulta ng swab test sa loob ng 24 hanggang 48 oras matapos ang pagsusuri.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *