Daan-daang dolphins at balyena namataan sa karagatan ng Sarangani

Daan-daang dolphins at balyena namataan sa karagatan ng Sarangani

Daan-daang balyena at dolphins ang namataan sa Sarangani Bay sa isinagawang marine mammal monitoring ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region XII simula noong February 2 hanggang 5, 2021.

Ayon kay Joy C. Ologuin, protected area superintendent (PASu) ng Sarangani Bay Protected Seascape (SBPS), maaring food hunting at nursing of calves ang rason kaya nagpakita ang mga balyena at dolphins.

Sa isinagawang monitoring, sinabi ng PAMO-SBPS, na umabot sa 20 hanggang 30 na Short-finned Pilot Whales (Globicephala macrorhynchus) ang nakita.

May nakita ring 8 Risso’s Dolphins, 80 hanggang 100 na Spinner dolphins ay 150 hanggang 200 Fraser’s Dolphins sa coastal waters ng Malapatan at Glan, Sarangani.

Nagsasagawa ng marine mammal monitoring buwan-buwan para matiyak proteksyon at conservation ng Sarangani Bay Protected Seascape.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *