DA kinumpirma ang pagkakaroon ng kaso ng bird flu sa isang farm sa Pampanga

DA kinumpirma ang pagkakaroon ng kaso ng bird flu sa isang farm sa Pampanga

Mayroong kaso ng bird flu sa isang poultry farm sa San Luis, Pampanga.

Kinumpirma ito ng Department of Agriculture (DA) kasabay ng pagtitiyak na agad nakapagpatupad ng disease control measures sa lugar.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, agad bumulo ng composite team na kinabibilangan ng mga veterinarian at animal health officer mula sa Bureau of Animal Industry, DA-Regional Field Office-3 at Provincial Veterinarian Office ng Pampanga at San Luis LGU.

Sa ulat ni BAI Director Ronnie Domingo kay Dar, agad kinatay ang 38,701 na mga manok upang maiwasan na ang paglaganap pa ng sakit.

Ang lahat ng miyembro ng team na nagpapatupadng control measures ay masusing binabantayan ang kondisyon ng mga tauhan ng health office ng San Luis Municipal Government.

Sa inisyal na imbestigasyon, may mga presensya ng migratory birds sa San Luis nitong nagdaang mga araw na posibleng pinagmulan ng bird flu.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *