Cutter Head ng Tunnel Boring Machine na gagamitin sa paggawa ng underground railway system nasa bansa na

Cutter Head ng Tunnel Boring Machine na gagamitin sa paggawa ng underground railway system nasa bansa na

Nasa bansa na ang bahagi ng isa sa anim na Tunnel Boring Machines (TBMs) na gagamitin para sa itatayong kauna-unahang underground railway system sa bansa.

Ang TBM No. 1 ay pinangalanan ng Department of Transportation (DOTr) na TBM “Kaunlaran”.

Ang Cutter Head nito ang pinakamalaking bahagi ng TBM na may bigat na 74 tons.

Gagamitin ito para isasagawang tunnel para sa underground subway gamit ang 36-piece disc cutter.

Sa mga susunod na araw ay darating na din sa bansa ang iba pang bahagi ng makina.

Ang Metro Manila Subway Project (MMSP) na kauna-unahang underground railway system sa bansa ay babagtas mula sa Valenzuela City patungo sa FTI, Parañaque, at sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA T3) sa Pasay.

Target ding i-extend ito sa North at South zones ng Greater Capital Region.

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *