Customs muling nakasakote ng mga kontrabadong sigarilyo

Customs muling nakasakote ng mga kontrabadong sigarilyo

Muling nakasabat ang mga tauhan ng Bureau of Customs ng milyong-milyong pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo.

Sa bisa ng Letter of Authority mula sa Customs Commissioner, sinalakay ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service Quick Reaction Team o ESS-QRT ang iasng warehouse sa Bocaue Bulacan.

Sa tulong ng local police, pinasok ng raiding team ang warehouse nang hindi naman tinukoy na negosyante sa Bulacan.

Inabutan ng raiding team ang 246 na master cases ng hinihinalang mga smuggled at pekeng sigarilyo na tinatayang nagkakahalga ng P15.7-Million.

Bagamat sa packaging ng mga nadiskubreng sigarilyo, mukhang mga branded o killalang brand ang mga tatak nito pero duda ng Customs na pineke lamang ang mga ito.

Hindi naman tinukoy ng Customs kung sino ang nagpalusot nito sa bansa at kung sino ang posibleng managot dito.

Nagsasagawa narin ng imbentaryo ang Customs at nagpapatuloy ang imbestigasyon para alamin ang mga nasa likod ng naturang mga kontrabando.

 

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *