Customs, nakapagtayo na ng pitong One-Stop Customer Care Centers sa iba’t ibang pantalan sa bansa

Customs, nakapagtayo na ng pitong One-Stop Customer Care Centers sa iba’t ibang pantalan sa bansa

Aabot na sa pitong Customer Care Centers o CCC ang naitatayo ng Bureau of Customs o one-stop shop kung saan daraan ang proseso ng mga transaksiyon sa ahensiya sa gitna nang nagaganap na pandemya dahil sa corona virus disease o COVID-19.

Pinakahuli sa inilunsad na CCC ay sa Port of Zamboanga na magsisilbing sentro ng mga transaksiyon sa layon na mapadali ang proseso ng kalakalan o ease of doing business sa isang lugar lamang.

Ayon kay Port of Zamboanga District Collector Segundo Sigmundfreud Z. Barte Jr., layon nang paglalagay ng one stop shop ng bureau na malimitahan ang face to face transaction upang makontrol ang korapsiyon at mga illegal na aktibidad.

Gayundin ay maiwasan ang pagkalat ng covid-19 at sumunod ang bureau sa pinaiiral na health protocols, maprotektahan ang stakeholders at mga kawani ng bureau habang tinutugunan ang tungkulin nito na tiyakin ang kita sa buwis ng pamahalaan na kinakailangan lalo na ngayong may pandemya.

Bukod sa Port of Zamboanga, nakapaglagay na rin ng Customer Care Centers sa Port of Manila, Legaspi, Surigao, Batangas, Subic at Clark.

Katuwang ni Barte sa inagurasyon ng CCC sa Port of Zamboanga sina City Vice Mayor Rommel S. Agan at Engr. Jaydrick Yap, na presidente ng Southern Philippines Deep Sea Fishing Association Incorporated o SOPHIL.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *