Curfew sa Metro Manila mas iniksian sa ilalim ng pag-iral ng MECQ
Nagkasunod ang mga alkalde sa Metro Manila na iksian ang ipinatutupad na curfew sa pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine sa NCR simula bukas Apr. 12 hanggang sa Apr. 30.
Ayon sa pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos, simula bukas ay magiging 8PM to 5AM na ang curffew sa NCR.
Unified itong ipatutupad sa 17 LGUs sa Metro Manila.
Sinabi ni Abalos na sa ilalim ng bagong rules na inaprubahan ng IATF ay binibigyang kapangyarihan ang mga LGU sa NCR na i-adjust ang ipatutupad na curfew.