Curfew muling ipatutupad sa California dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19
Magpapairal ng curfew sa California bunsod ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Governor Gavin Newsom, simula sa Sabado ay iiral ang curfew mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga araw-araw.
Tatagal ang stay-at-home order hanggang sa December 21.
Ikinaalarma ni Newsom ang aniya ay mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nagdaang mga araw.
Maituturing aniya na kritikal ang mga susunod na araw at linggo.