COVID ward ng Cagayan Valley Medical Center puno na

COVID ward ng Cagayan Valley Medical Center puno na

Ikinabahala ni Cagayan Valley Medical Center (CVMC) Chief Dr. Glenn Matthew Baggao ang pagkapuno na ng kanilang COVID-19 ward para sa mga pasyenteng positibo at suspected sa COVID-19 virus.

Hanggang Mierkules (March 18) ng gabi, naitala ang 126 confirmed patients at ito na ang pinakamataas na bilang ng mga pasyenteng COVID related sa nasabing ospital simula nang nagkaroon ng pandemya.

Ngayong araw aniya ay may mga nag-negatibo naman sa mga suspected patients at na-discharged ang iba dahil sa nakarekober na sa sakit.

Hiniling ni Dr. Baggao kay DOH Regional Director Rio Magpantay na i-monitor ang mga private at district hospitals sa buong Region 2 dahil sa CVMC na umano lahat inire-refer ang mga pasyente na hindi naman critical o severe ang kalagayan.

Sinabi ng duktor na dapat ang mga mild patients ay sa mga private at district hospitals upang hindi na overwhelmed ang CVMC.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *