COVID-19 vaccine hindi dahilan ng pagkasawi ng isang indibidwal na naturukan ng bakuna
Walang kinalaman sa COVID-19 vaccine ang pagkamatay ng isang indibidwal noong March 15, 2021.
Ang nasabing indbidwal ay nabakunahan at kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa pahayag ng Department of Health at Food and Drug Administration, ang dahilan ng pagpanaw ng indbidwal ay ang COVID-19 virus at hindi ang bakuna.
Hindi rin umano ang bakuna ang naging dahilan kaya ito nagpositibo sa sakit.
Wala ring dahilan ayon sa DOH para suspindihin ang pagbabakuna.
Muling inulit ng DOH at ng FDA na sa kabila ng pagkakaroon na ng bakuna, lahat ay dapat ituloy ang pagsunod sa preventive measures gaya ng pagsusuot ng face masks, face shield at pagsunod sa physical distancing.
Muli ring hinimok ng DOH at FDA ang lahat ng health workers na magpabakuna lalo ngayong tumataas na naman ang kaso ng COVID-19 sa bansa.