COVID-19 vaccine refrigeration units dumating na sa Sta. Ana Hospital sa Maynila

COVID-19 vaccine refrigeration units dumating na sa Sta. Ana Hospital sa Maynila

Nasa Sta. Ana Hospital na ang siyam na COVID-19 vaccine refrigeration units.

Sa naturang ospital ilalagay ang COVID-19 Vaccine Storage Facility ng lungsod ng Maynila.

Limang Haier HYC-390 refrigeration units ang dumating sa Sta. Ana Hospital kung saan ilalagay ang vaccine doses ng AstraZeneca at Sinovac, at apat na biomedical freezers kung saan maaari namang ilagay ang Johnson&Johnson at Moderna vaccine vials.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, paparating na rin ang tatlong -83 degrees celcious ULT Freezers mula Haier kung saan ilalagay ang Pfizer vaccine vials, at 50 transport coolers pa ang paparating rin. (D. Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *