COVID-19 vaccine ng Sinovac puwede nang iturok sa mga bata
Maari nang magamit para sa pediatric vaccination ang COVID-19 vaccine ng Sinovac.
Ito ay makaraang pagkalooban ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang CoronaVac ng Sinovac para magamit sa mga edad 6 pataas.
Sa pahayag sinabi ni IP Biotech Group chairman Enrique Gonzales na inilabas ng FDA ang EUA para sa Sinovac noong Sabado, Mar. 12.
Batay sa isinagawang pag-aaral sa Chile, ang efficacy rate ng Sinovac sa 1.9 million na mga batang edad 6 hanggang 17 ay 74 percent.
90 percent ding maiiwasan ang pagkakaospital ng mga batang magpopositibo sa COVID-19 kung sila ay nabakunahan ng Sinovac. (DDC)