COVID-19 vaccination facility sa QCGH ininspeksyon ni Mayor Belmonte

COVID-19 vaccination facility sa QCGH ininspeksyon ni Mayor Belmonte

Binisita ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang COVID-19 vaccination facility ng Quezon City General Hospital sa Barangay Bahay Toro.

Ito ay para tignan ang paghahanda sa pagbabakunang isasagawa sa mga healthworker at staff nito.

Isa ang QCGH sa 34 na ospital sa bansa na priority ng Department of Health na mabigyan agad ng COVID-19 vaccine.

Kasama si QCGH Director Dr. Josephine Sabando, nilibot nina Mayor Joy ang facility na mayroong registration area, reception, counseling, doctor’s assessment, vaccination area, at holding area.

Ang paghahanda sa pasilidad ay batay sa pamantayan ng DOH.

Kinikilala ang Quezon City General Hospital para sa mga Best Practices nito sa COVID-19 response.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *