COVID-19 self-testing kit inaprubahan ng US-FDA para sa ‘home use’
Inaprubahan na ng U.S. Food and Drug Administration ang kauna-unahang COVID-19 self-testing kit na pwede sa home use.
Ang single-use test ay kayang makapaglabas ng resulta sa loob ng 30-minuto lamang.
Gawa ito ng kumpanyang Lucira Health na napagkalooban na ng emergency use authorization para sa home use.
Ginagamitan din ang test ng self-collected nasal swab samples para sa mga indibidwal na edad 14 at pataas na suspected COVID-19 patient.
Ayon kay FDA Commissioner Stephen Hahn, ito ang maituturing na unang self-administered COVID-19 test kit.
Pwede ring gamitin ang kit sa mga pagamutan.